Bakit nga ba? Hindi naman yan dahil lang sa mga lalaki/babae eh. Hindi lahat ng lalake, gago. Hindi lahat ng babae, user. Ang problema kasi satin eh pag nasaktan tayo, sinisisi agad natin yung mga “nakasakit satin” kuno. Minsan, tinakda lang na masaktan tayo para matuto tayo. Sa halip na magmukmok ka dyan at mag-iiyak dahil nasaktan ka ng isang taong sobrang mahal mo, magpasalamat ka sa kanya. Kasi lalo ka nyang dinadala sa taong para talaga sa’yo. At isa narin yung aral para sa’tin. Para sa mga susunod na relasyon pa na darating sa’tin, hindi na tayo ganong mag-assume.
Bakit pag nasasaktan tayo, napaka-bitter na’tin sa tayong nakasakit satin? Bakit nga ba? Hindi naman kelangan nun para lang masabi mong nakapag-move on ka na or hindi ka nasaktan eh. Pakita mong MASAYA ka, sa kabila ng lahat ng pinaggagagawa nya. Para maparating mo na, HINDI SIYA KAWALAN.
(Source: MahalsyaniCriselle)
