Hi. Ako nga pala si Criselle, isang first year student. HSAIAN. Nagpopost ako ng mga tungkol sa aking buhay, at minsan mga rantsyo. Friends? :) Kausapin nyo ko ah. Birthday Countdown

Photobucket

-After riding ze Taxi Boat. :)
With WEIRDOGS. SAYA GRABE. \m/ Sila kasama ko buong time na nag-outbound kami. Mga abnyo yan pero MAHAL KO SILA. :’)

-After riding ze Taxi Boat. :)

With WEIRDOGS. SAYA GRABE. \m/ Sila kasama ko buong time na nag-outbound kami. Mga abnyo yan pero MAHAL KO SILA. :’)

REBLOG

Ayun. Sobrang saya. Kahit na maaga kaming umuwi, ayos lang. Sobra namang saya. Ang awesome awesome ng February 17. Dumating kami sa school ng 5:20. Kasabay ko si kaycee. Tapos nag-ghost hunting kami sa school, kasi sobra pang dilim nun saka konti palang kami. Pero wala kaming nakita. Okay. Tapos, sakay sakay din sa bus. Sa likod kami. Magkakatabi kaming weirdogs sa likod. Sa bus pa lang, sobra ng saya eh. Wagas tawanan namin. May time pa na nagkasubsuban kami. Tagal ng byaheee.  Pumunta na kami sa Nuvali, Sta. Rosa Laguna.

image

Laki pala nung lugar na yun. 1,000 plus heactares daw. Tapos maraming lugar dun. May lake, may forest, may parang subdivision, may school, mall, river, falls. Astig no? Pumunta kaming sunod, eh sa subdivision. Pare-pareho lang naman mga bahay dun eh. Pero isa lang pinasok namin. Katamtaman lang yung laki nung bahay, pero ang ganda nung loob. Puro recycled ang laman. Ang galing ng pagkakagawa. ‘Di mo aakalain na gawa sa recycled materials yun. Tapos, ayun. Ang astig.

image

After nun, nag-bird watching kami. Dun sa gazeebo ba yun? Basta yun na yun. HAHA. Lamig dun. Tapos kitang kita mo at rinig na rinig mo yung mga ibon. 

image

Tapos nag-river trekking muna kami. Naglakad kami ng pagka-haba haba. Tapos may tinalunan kaming wall. Tapos umakyat kami ng isang napaka-ubod ng napaka tarik na bundok. Guess what, tali lang ang hawak namin pataas. Eh umuulan pa nun. So ang dulas. Lahat na ng santo tinawag ko. Hahaha. Tapos nadulas ako ng ilang beses at muntikan ng mahulog. Pag ako nahulog dun, pinaglalamayan nyo na ko ngayon. SRSLY. May part pa dun na walang tali. At ugat lang ng puno ang hahawakan. Wag mong hawakan ng madulas ka at matatas ang buhay mo. Pero kahit wala akong tiwala sa ugat na yun, hinawakan ko parin. Nagkanda putik putik na yung kamay ko. At finally! Pagtaas, andun na yung falls. Eh mga leche kong kaklase, dahil kami huling huli, pinagbabasa kami. Hanggang ulo. -.- Akala ko binti ko lang mababasa eh. Enjoy naman. Tampisaw din. Una, hanggang binti lang yung tubig. Tapos hanggang hita, tapos binti ulit, hanggang sa dulo, yung pinaka-falls na, hanggang dibdib na. Grabe. Nagkanda-sira sira yung sapatos ko sahil sa dami ng bato dun. Sakit sa paa. Di ko pa kita kung may malaking bato na. Kaya nagkandapa-dapa kami. May isang part naman dun na may maliit na falls, na may pwedeng bato na upuan. So umupo kami kasi pagod na kami. Feels relaxing. Grabe! Sarap sa likod nung mini-falls na yun. Tapos umabot kami dun sa dulo. Hanggang dibdib na. Saya! Sumisid na kami eh. Pagkatapos, bumaba na kami. Hirap na hirap din ako. Pero mas madali kesa sa pagtaas. Mas lalong dumulas kasi umulan nga. May time nga na Gumapang na ko para lang makaraos eh. Grabe kasi. Tapos pwetan ko, t-shirt ko, binti ko, kamay ko, puro putik na. Kulang nalang pati muka ko e. Sobrang great na experience yun, feeling ko Survivor ako eh. HAHAHA.  Tapos walang banlaw banlaw. shit. Bihis agad. Tapos sa bus lang. Grabe. Nag-takipan lang kami. Kami naunang girls, tapos boys sunod. Haggard na haggard kami. Tapos nag-lunch kami dun sa gazeebo. After nun, pumunta na kami sa may lake. Nag-fish feeding gami. Grabe, andaming isda dun. (coi daw tawag) Pinakain namin. 15 pesos lang naman per pack eh. Tapos nagkakagulo sila pag-pinapakain. Patong patong. Ka-amaze. 

image

Tapos sobrang ganda ng view dun. Kaya picture picture din. Tapos nag-taxi boat kami. By 12 lang. May isa kaming kasama sa weirdogs na hindi nakasama. :l May asungot kasi. So ayun, kahit na ganun, masaya naman. Kahit nagka-talsik talsik samin yung tubig sa lake. 

image

after nyan, may pinuntahan kami dun. Na parang office ng nuvali. Ang astig. Nakakatuwa. 

image

image

Tapos pumunta kami sa Lucky Me factory. Ang galiiiing. Nakita namin kung pano gawin yung noodles, yung mismong gawaan. Tapos binigyan kami ng free noodle, biscuits, saka kung anong wafer ang tawag dun. 

image

tapos stop over sandali sa may Nlex. Tapos party party sa bus. tapos uwi na. SAYA. BOOOOOM. Kahit na sobrang sakit ng hita, at balikat ko ngayon T.T

(Source: MahalsyaniCriselle)

REBLOG
So ayun. Eto ang Map ng Nuvali. Eto yung pupuntahan namin sa Outbound namin. :) Sa friday na. Exciteeeeeddd. Marami daw outdoor activities eh. Tapos wala lang. kasama section eh. :’)

So ayun. Eto ang Map ng Nuvali. Eto yung pupuntahan namin sa Outbound namin. :) Sa friday na. Exciteeeeeddd. Marami daw outdoor activities eh. Tapos wala lang. kasama section eh. :’)

REBLOG